歌词

Kung ako lang ang papipiliin
Kung ibabalik ba ang kamay ng oras
O lilipad sa hangin
Upang silipin ang aking hinaharap
'Di magdadalawang-isip
Gusto kong makausap ang sarili, hmm

Pero hanggang kailan ako mahihirapan?
Ano kung walang kasiguraduhan?

Ah, basta, gusto ko lang namang magpalutang-lutang
Magpatangay sa banayad na ihip ng hangin

Simula sa 'king pagkabata
Palaging ginigipit ang sarili
Nakalimutan kong magpakasaya

Pero hanggang kailan ako mahihirapan?
Ano kung walang kasiguraduhan?

Ah, basta, gusto ko lang namang magpalutang-lutang
Magpatangay sa banayad na ihip ng hangin
Nakakapagod ang puro pangangamba
Kailangan ko yatang matutong huminga

Ano naman?
Ano naman? Ano naman?
Ayos lang, ayos lang naman
Ayos lang naman

Hey, hmm, ayos lang naman
Hmm, hmm

Ah, basta, gusto ko lang namang magpalutang-lutang
Magpatangay sa banayad na ihip ng hangin

Writer(s): Angelika Lois Ponce

API Calls

从 Spotify 记录音乐?

将您的 Spotify 帐户连接到您的 Last.fm 帐户,通过任何设备或平台上的任何 Spotify 应用记录您所听的一切内容。

连接到 Spotify

关闭