歌词
Ako'y nabulag sa mga sariling gawa
Binigay na ang lahat ngunit di pa rin sapat
Akala ay doon Mo lang matatanggap
Ako pala ay Iyong anak
Pinilit kong abutin ang tayog ng mundo
Ginawa ang lahat upang ibigin Mo
Akala ay doon Ka lang matatagpuan
Ikaw pala ay laging nandiyan
Hindi Mo iniwan
Hindi Mo pinabayaan
Ikaw ay laging nandiyan
Ikaw ay laging nandiyan
Bakit pa magtataka kung ako'y mahalaga
Alay ang Iyong anak, sa aking kabuoan
Wala nang kailangan patunayan pa
Ang puso ko lang ang iyong hangad
Wala nang kailangan patunayan pa
Ang puso ko lang ang Iyong hangad
Hindi Mo iniwan
Hindi Mo pinabayaan
Hindi Mo iniwan
Hindi Mo pinabayaan
Ikaw ay laging nandiyan
Ikaw ay laging nandiyan
Ikaw ay laging nandiyan
Ikaw ay laging nandiyan
Kahit saan ka mapadpad, kahit saan maparoon
Kay Hesus lang, mananatiling nakatuon