Lyrics
Akay ko ay simpleng pangarap
Na ngayo'y tila kay hirap makamit
May mga bagay na di maintindihan kaya't
Patuloy ang nadaramang sakit
Tumingala ka't harapin ang panahon
Dahil may pag-asang naghihintay sa iyo
Huwag mong akuin na ika'y nag-iisa
Mag tiwala ka na kaya mo
Gumising ka't umaga na
Ang kahapon mo'y lumipas na
Ano mang nangyari ay kalimutan
Abangan ang pagsikat ng bagong araw
Sadiyang kay daming iniisip
Kahapon mo ay parang nagbabanta
Suntok sa hangin ang parang ginagawa
Kay bigat ng damdaming dinadala
Ibuklat mo ang iyong mga kamay
At pumiglas sa iyong mga lubid
Bigyan ng pagsibol ang iyong mga nais
Magpasalamat sa kabutihan ng langit
Bawat pintig ay huwag mong papalampasin
Yakapin ang mundong nariyan para sa iyo
Gumising ka't umaga na
Ang kahapon mo'y lumipas na
Ano mang nangyari ay kalimutan
Abangan ang pagsikat ng bagong araw
Gumising ka't umaga na
Ang kahapon mo'y lumipas na
Ano mang nangyari ay kalimutan
Abangan ang pagsikat ng bagong araw
Gumising ka't umaga na
Ang kahapon mo'y lumipas na
Ano mang nangyari ay kalimutan
Abangan ang pagsikat ng bagong araw
Gumising ka't umaga na
Ang kahapon mo'y lumipas na
Ano mang nangyari ay kalimutan
Abangan ang pagsikat ng bagong araw