Lyrics

Hanggang kailan magtitiis
Ang puso kong nagnanais
Na kahit minsa'y madinig
Ang daing ng pag-ibig

O kay tagal nagdurusa
Hanggang ngayo'y umaasa
Baka sakaling mahalin
Magbago ang iyong damdamin

Araw gabi'y naghihintay
Baka sakaling dumaan
Lumingon ka sa aki't kumaway
At ngumiti man lang minsan

Sana'y bigyan mo ng pansin
At konting pagtingin
Ano ang aking gagawin
Upang matutuhan mo akong mahalin

Pag 'di kita nakikita
Ang oras ay kay bagal
Pag nandyan ka na sa aking tabi
O kay bilis ng sandali

Sana'y bigyan mo ng pansin
At konting pagtingin
Ano ang aking gagawin
Upang matutuhan mo akong mahalin

Sana'y bigyan mo ng pansin
At konting pagtingin
Ano ang aking gagawin
Upang matutuhan mo akong mahalin

Writer(s): Nonoy Tan

Similar Tracks

API Calls

Scrobble from Spotify?

Connect your Spotify account to your Last.fm account and scrobble everything you listen to, from any Spotify app on any device or platform.

Connect to Spotify

Dismiss