Lyrics

Hayaang sumigaw ang pusong nabilanggo
Sumabay na sa awitin, pakinggan ang tibok
Huwag nang tatalikuran ang bigat ng unos
'Pag nasugat, huwag pigilan ang silakbo

Magpapalunod ba sa dilim
O titingin sa mga bituin?
Tutulugan ang gabi o ito'y aangkinin?
Ipapabukas ko na lang ba ulit?

Siya na lang ba'ng magdidikta
Ng aking pulso at paghinga?
'Di alam ang gagawin, gulo ba'y haharapin?
Tatakbo o dapat bang tiisin?

Dahan-dahang kumawala sa kapit na dinadala
'Di na magpapaakit pa sa kapit ng iyong mata

Hayaang sumigaw ang pusong nabilanggo
Sumabay na sa awitin, pakinggan ang tibok
Huwag nang tatalikuran ang bigat ng unos
'Pag nasugat, huwag pigilan ang silakbo

Naaarawan na ang sakit
Umagang tila nanlalambing
Ako'y babangon na muli nang hindi nakapikit
Tumatamis na ang lahat ng pait

Dahan-dahang kumawala sa kapit na dinadala
'Di na magpapaakit pa sa kapit ng iyong mata

Hayaang sumigaw ang pusong nabilanggo
Sumabay na sa awitin, pakinggan ang tibok
Huwag nang tatalikuran ang bigat ng unos
'Pag nasugat, huwag pigilan ang silakbo

Oh, oh
Oh, oh

Huwag nang tatalikuran ang bigat ng unos
'Pag nasugat, huwag pigilan ang silakbo

Mga silid sa bahay ng ating damdamin
'Di na muling papatinag sa dilim
Lalakasan (lalakasan) ang himig ng mga salamin
Palayain mga sigaw (mga sigaw) sa dingding

Hayaang sumigaw ang pusong nabilanggo
Sumabay na sa awitin, pakinggan ang tibok
Huwag nang tatalikuran ang bigat ng unos
'Pag nasugat, huwag pigilan ang silakbo

Oh, oh
Oh, oh

Huwag nang tatalikuran ang bigat ng unos
'Pag nasugat, huwag pigilan ang silakbo

Writer(s): Gian Bernardino, Raphaell Ridao, Gabriel Fernández, Clint Joules Fernandez

Similar Tracks

API Calls

Scrobble from Spotify?

Connect your Spotify account to your Last.fm account and scrobble everything you listen to, from any Spotify app on any device or platform.

Connect to Spotify

Dismiss