Playing via Spotify Playing via YouTube
Skip to YouTube video

Loading player…

Scrobble from Spotify?

Connect your Spotify account to your Last.fm account and scrobble everything you listen to, from any Spotify app on any device or platform.

Connect to Spotify

Dismiss

A new version of Last.fm is available, to keep everything running smoothly, please reload the site.

Find Some Love, Pt. 1 - Lyrics

Parang may mali mahal
Nanlalamig ka na mahal
Habang tumatagal nararamdaman
Mo ay tinatangay ng hangin
Anong kulang sabihin mo naman sa akin
Kasi di ako sanay
May lamat naba tayo sana naman ay
Wala pero parang meron sa 'king palagay
Madalang ko nalang nadarama
Ang haplos ng iyong kamay
Di ako makatulog kasi panay
Ang kakaisip ko sayo't naghihintay
Pinipilit ko pa ding magising
Kahit mata ay pumipikit na kasabay
Ng mga bituing unti-unting liwanag ay namamatay
Habang bumubuhos ang ulan isip ko'y naguguluhan
Pwede ba akong lumapit sa'yong ulunan
Gusto lang kitang mapagmasdan
Kahit wag ka nang sumandal sa 'king bisig
Hindi ko na marinig ang paborito nating himig
Alam mo bang ikaw ang dahilan
Kung bakit ko nagustuhan ang diko hilig
Tapos ngayon ikaw ang bibitaw
Sa aking piling.
Ang sakit.

Dinadaya ko na lamang ang sarili
Na walang nagbago at ganun pa rin tayo
Pero bakit ganito nalang gabi gabi
Nasa iisang higaan lang
Pero parang di ko ramdam na magkatabi
Aking tinitiis kahit parang
Nagpapanggap nalang tayo na matamis
Ayaw kita na bitawan ako ay nanghihinayang
Sa pinagsamahan natin
Wag kang umalis kasi di ko kaya
Ayos lang sa akin na magpaubaya
Kahit masakit na
Kahit na mali na
Dito ka lang kahit konting sandali pa
Bigyan mo ng panahon
Gawan ko ng paraan baka
Masama lang ang yong pakiramdam
Inisip ko na ang lahat ng positibo
Di ko maiwasang mawalan ng pag-asa
Ayoko din namang manatili ka sa akin
Kahit di ka na maligaya.

Magkukulong na naman
Ako sa kwarto pag ikaw
Ay aking pinalaya
Susuko nako pag hindi ko na kinaya
Bakit kakapitan ko ang
Taong matagal na akong binitawan
Alas tres na ng umaga lahat ng
Sakit bumabalik sa 'king isipan
Lalala lang ang mga bagay na
Hindi p'wede pag ito'y pinagpilitan

Sana pala hindi ko na binigay ang lahat
Ng dapat sa sarili ko pagka't
Walang natira iniwan mong nag-iisa
Kwento natin di ko alam ang pamagat
Siguro nga paggising sa umaga ayos na ang lahat...

Don't want to see ads? Subscribe now

API Calls