Playing via Spotify Playing via YouTube
Skip to YouTube video

Loading player…

Scrobble from Spotify?

Connect your Spotify account to your Last.fm account and scrobble everything you listen to, from any Spotify app on any device or platform.

Connect to Spotify

Dismiss

A new version of Last.fm is available, to keep everything running smoothly, please reload the site.

Ngayon Na - Tungo Sa Pagbabago, Para Sa Pagbabago - Lyrics

Lumingon sa'yong paligid, buksan ang mata't isip
At iyong makikita kay daming batang lansangan
Bahay na nagsisiksikan di tiyak ang kinabukasan

Bakit mayaman lang ang lalong yumayaman
At ang karamihan labis ang kahirapan

Dapat na tayong lumayas sa kawalan
Iwaksi ang katiwalian katotohanan ay ipaglaban

Tayo'y kumilos na tungo sa pagbabago
Para sa pagbabago ngayon na, ngayon na
Tungo sa pagbabago para sa pagbabago
Bayan ko ngayon na

Ang pagbabagong nais mo sa ating bayan
Sa sarili mo'y dapat ng simulan
Dapat ipakita na kaya nating mabuhay
Ng marangal matapat mapagmahal at mahusay

Tayo'y kumilos na tungo sa pagbabago
Para sa pagbabago ngayon na, ngayon na
Tungo sa pagbabago para sa pagbabago
Bayan ko ngayon na

Bawat bata'y dapat nasa eskwela ng kinabukasan ay
May pag asa, trabaho't bahay sa bawat Pilipino
Ng paglikas ay unti unting mahinto
Yaman ng bayan ay dapat pakinabangan ng buong bayan
Di lamang ng iilan, dagat bundok ilog patag at kagubatan
Gawing ligtas at kapaki pakinabang
Katarungan ay dapat mamayani mayaman ka man o mahirap na turing
Utang ng bayan,
ang baya'y di nakinabang dapat ng putulin at wag ng bayaran
Karapatan ay dapat igalang karahasan ay wag pahintulutan,
Digmaan ay dapat lunasan kaunlaran, kapayapaan, pagkakaisa
At wastong pamamahala ng pamahalaan

Tayo'y kumilos na tungo sa pagbabago
Para sa pagbabago ngayon na, ngayon na
Tungo sa pagbabago para sa pagbabago
Bayan ko ngayon na

Ang pagbabagong nais mo sa ating bayan
Sa sarili mo'y dapat ng simulan
Dapat ipakita na kaya nating mabuhay
Ng marangal matapat mapagmahal at mahusay

Kaya't kumilos na tungo sa pagbabago
Para sa pagbabago ngayon na, ngayon na
Tungo sa pagbabago para sa pagbabago
Bayan ko ngayon na

Tungo sa pagbabago
Para sa pagbabago ngayon na, ngayon na
Tungo sa pagbabago para sa pagbabago
Bayan ko ngayon na ngayon na ngayon na
Ngayon na

Don't want to see ads? Subscribe now

API Calls