Playing via Spotify Playing via YouTube
Skip to YouTube video

Loading player…

Scrobble from Spotify?

Connect your Spotify account to your Last.fm account and scrobble everything you listen to, from any Spotify app on any device or platform.

Connect to Spotify

Dismiss

A new version of Last.fm is available, to keep everything running smoothly, please reload the site.

Dedma - Lyrics

Bakit hindi ko maintindihan?
Sino ba at nasaan? Ha?
Ano siya, anito? Superhero? Tagarito ba? O baka tagabuwan
Ano ba yan? Gawa gawa lang ba ng tao? O? Kaligtaran, tulad ni Adan?
Yung totoo 'di mo alam
Ayaw maki-alam o wala ka lang pakialam...
Andami nang namamatay, pumapatay nagpapakamatay at nabubuhay sa mali
Mga bata'y, nadadamay, sa mga away...
Ang gulo na ng mundo na kulang sa pamsin

puro pa gera, dulot ng pera nakakalungkot,
ba't ba ka ba ubod ng dedma?
punyeta! retreat sa kweba oras na ma-Sodom at Gomorrah
'tong buong planeta, teka

kayrami nang tukso nand'yan at lalapit sa'yo
mga matang nakasunod nakabantay, naglalakbay
sa pagitan ng dilim at ng liwanag
mapait ang katotohanan sa mundong makasalanan

pa'no kung walang kabilang buhay?
pa'no niyo kami matutubos?
pa'no kung wala pa ring patunay
at yun ay kasi wala naman talgang Diyos?

na bwakaw magpasamba
kung ayaw mo daw mananalanta
peo ganu'n pa rin naman kahit magdasal ka
tignan mo Deuteronomio kung mapagmahal siya

nasa'n na ba kasi 'yung ebidensya?
mukhang natakpan ng piring ang sistema
mga pruweba ng primitibong siyensya
mahirap tanggapin na para ding penitensya

sentensiya, sa mga mapang-abuso
kontrolado utak kapagka hawak ang puso
punto, sa'n patungo ang relihiyon?
sakatapusan ba ng mundo o sa Panginoon?
bakit gano'n?

kayrami nang tukso nand'yan at lalapit sa'yo
mga matang nakasunod nakabantay, naglalakbay
sa pagitan ng dilim at ng liwanag
mapait ang katotohanan sa mundong makasalanan

minsan, 'di natin nababatid ang kamalian ng lahat
na siyang kay hirap tanggapin
at kahit iisa ang kinikilalang Diyos Ama
ang tanong, bakit yata parang deadma yung iba?

nasaan? nasaan ang kaligtasan?
kapag naghiganti na si Inang Kalikasan?
delubyo tapos tuhog sunog, chicken inasal
halik ni kamatayan sa kamay ng kabihasnan

sino ba dapat sisihin para sa kasamaan?
demonyo ba o malayang pagpasyang may kapatawaran?
may kaluluwa po ba talaga yung katawan?
o kathang isip lamang ng mga takot sa kawalan?

kailangan ko ng bendisyon,
maliwanagan parang Thomas Edison
kahit mabusisi, alam ko sa sarili ko,
'di ko kayo kinekwestiyon, malayang desisyon
kasi imposibleng inimbento ka lang
sino ang arkitekto? sikreto na lang
perpekto lahat pwera tao disenyo pa lang ang tanong,
bakit gano'n? yan ang pala sipan
kayrami nang tukso nand'yan at lalapit sa'yo
mga matang nakasunod nakabantay, naglalakbay
sa pagitan ng dilim at ng liwanag
mapait ang katotohanan sa mundong makasalanan

Writer(s): julie anne san jose, raymond abracosa

Don't want to see ads? Subscribe now

API Calls