Playing via Spotify Playing via YouTube
Skip to YouTube video

Loading player…

Scrobble from Spotify?

Connect your Spotify account to your Last.fm account and scrobble everything you listen to, from any Spotify app on any device or platform.

Connect to Spotify

Dismiss

A new version of Last.fm is available, to keep everything running smoothly, please reload the site.

Lagi Kang Nariyan - Lyrics

Kay dilim na naman ng ulap
Paparating na ang hanging habagat
May lungkot at lumbay
Na nararamdaman
Tila nga ba walang katapusan

May kaba mang nadarama sa‘king puso
Takot ay nadaraig, naglalaho
Oh Ama, nariyan Ka
Aking makakaya
Dahil ‘di na muling mag-iisa

Kahit pa bumuhos ang ulan
Walang bakas ng karimlan
Pag-ibig Mong hindi magwawakas
Hangad ng kalooban
Tunay ngang ako'y hindi Mo nilisan
‘Pagkat natatanaw ang sikat ng araw
Na sa tag-araw at tag-ulan
Ay lagi Kang nariyan

Oh Ama, sadyang kay hiwaga
Ng alay Mong araw at ulan
Aking nasaksihan
Ang Iyong kariktan
Na kailanma'y ‘di ako pinabayaan

Kahit pa bumuhos ang ulan
Walang bakas ng karimlan
Pag-ibig Mong hindi magwawakas
Hangad ng kalooban
Tunay ngang ako'y hindi Mo nilisan
‘Pagkat natatanaw ang sikat ng araw
Na sa tag-araw at tag-ulan
Ay lagi Kang nariyan

Kahit saan, kahit kailan
Ika'y masisilungan
Ama, Ikaw ang aking tahanan

Kahit pa bumuhos ang ulan
Walang bakas ng karimlan
Pag-ibig Mong hindi magwawakas
Hangad ng kalooban
Tunay ngang ako'y hindi Mo nilisan
‘Pagkat natatanaw ang sikat ng araw...
Na sa tag-araw at tag-ulan
Ay lagi Kang nariyan

Don't want to see ads? Subscribe now

API Calls