Playing via Spotify Playing via YouTube
Skip to YouTube video

Loading player…

Scrobble from Spotify?

Connect your Spotify account to your Last.fm account and scrobble everything you listen to, from any Spotify app on any device or platform.

Connect to Spotify

Dismiss

A new version of Last.fm is available, to keep everything running smoothly, please reload the site.

Nag-Iisang Muli - Lyrics

Kay lamig ng simoy ng hangin
Mga talang yumayakap sa akin
Kasabay ng aking pagpikit
Suminag ang pait
Pag-asa'y 'di masilip

Sa gitna ng gabing kay dilim
Naghihintay mula takipsilim
'Di susuko sa pagtitiwalang
Ikaw ay makakamtan
Ng hindi panandalian

Kahit kumpiyansa'y unti-unting nawawala
'Di uubra ang hamon ng duda

Patuloy na aasa na
Ikaw ay makilala na
Ng puso kong naghihintay
Na makasama ka sa'king buhay
Hanggang sa dulo ng walang hanggan
Ikaw ang hanggan

Patuloy na inaasam
Na masilayan na kita
Babangon at lalaban
At isisigaw ko kay Bathala
Ang kahilingang mahanap kita
Ang tanging hangad ng puso'y ikaw

Makulimlim na pagsikat ng araw
Nananaig na ang boses na bumibitaw
Bingi-bingian na naman
Pilit na tinatakpan
Pusong nananawagan

Kay ginaw ng tanghaling tapat
Mga ginagawa'y 'di pa rin sapat
Sumagi sa'king pag-iisip
Damdami'y kinikimkim
Sa sarili'y 'di maamin

Patuloy na aasa na
Ikaw ay makilala na
Ng puso kong naghihintay
Na makasama ka sa'king buhay
Hanggang sa dulo ng walang hanggan
Ikaw ang hanggan

Patuloy na inaasam
Na masilayan na kita
Babangon at lalaban
At isisigaw ko kay Bathala
Ang kahilingang mahanap kita
Ikaw ang hangad

Balik takip-silim
Sasapit na'ng gabi
Mga bitui'y lumihis
Sisikat nang muli
Araw ay sumilip
Nasilaw sa dilim
Puso'y nagising
Nag-iisang muli

Patuloy na aasa na
Ikaw ay makilala na
Ng puso kong naghihintay
Na makasama ka sa'king buhay
Hanggang sa dulo ng walang hanggan
Ikaw ang hanggan

Patuloy na inaasam
Na masilayan na kita
Babangon at lalaban
At isisigaw ko kay Bathala
Ang kahilingang mahanap kita
Ang tanging hangad ng puso'y ikaw
Ng puso'y ikaw
Ng puso'y ikaw
Nag-iisang muli

Don't want to see ads? Subscribe now

API Calls