Playing via Spotify Playing via YouTube
Skip to YouTube video

Loading player…

Scrobble from Spotify?

Connect your Spotify account to your Last.fm account and scrobble everything you listen to, from any Spotify app on any device or platform.

Connect to Spotify

Dismiss

A new version of Last.fm is available, to keep everything running smoothly, please reload the site.

Ba'To - Lyrics

Hindi ko alam ang iyong nararamdaman
Hanggang dito na lamang ‘to
Hindi kita kayang mapangatawanan
Siguro di ko kaya ‘to

Marahil pinahihiwatig na magkatugma ang himala at ang hinala
Malamang ipinahihiwatig na magkaiba ang katotohanan at akala

Hindi ko alam ang iyong nararamdaman
Hanggang dito na lamang ‘to
Hindi kita kayang mapangatawanan
Siguro di ko kaya ‘to

Marahil pinahihiwatig na magkatugma ang himala at ang hinala
Malamang ipinahihiwatig na magkaiba ang katotohanan at sapantaha

Hindi ko alam ang iyong nararamdaman
Hanggang dito na lamang ‘to
Hindi kita kayang mapangatawanan
Siguro di ko kaya ‘to

Hindi na tumatama ang aking kutob
Akala ko merong pakialam
Pinipigilan mong malaman
Ang ganda na sana ilahad mo ang iyong
tunay at totoo at talagang nararamdaman
Hindi mo nga ako naiintindihan kasi
Hanggang dito ba naman
Tinatanggihan mo na matuto
Nalalapit ko ng makabisado mangarap
At manalig sa isang bato

Hindi man lang nagsimula o nagwakas
Kitang-kita mo nung naubos ang lakas
Kaya nga masakit na ang aking panga kakatawa
Naninikip na ang dibdib
Namamanhid at iniisip ko
Siguradong hindi ka nagbibiro
‘Di na mangagako kakayanin ko na magpakasaya
Kahit madaganan pa ng isang bato

Labis na nanghihinayang
Na hindi man lang nailahad
Ang matindi kong nararamdaman
Ang halaman doon mula pa noon
At hanggang ngayon nalalanta't naghihingalo
Hindi ka ba nahihirapan
Hindi pa ba, hindi kaya, hindi talaga, hindi
‘Taragis

Handa naman ako, kainis
Kinabisado kong magpamiss
Pinapangarap ko, penge kiss
Pakipaliwanag, please
Maalat, mapait, matamis
Ta's mamaya-maya lang, panis

Hindi ko alam ang iyong nararamdaman
Hanggang dito na lamang ‘to
Hindi kita kayang mapangatawanan
Siguro di ko kaya ‘to

Hindi kita mararanasan
O, hindi kita mapapakiramdaman
Siguro pareho tayong bato

Don't want to see ads? Subscribe now

API Calls