Playing via Spotify Playing via YouTube
Skip to YouTube video

Loading player…

Scrobble from Spotify?

Connect your Spotify account to your Last.fm account and scrobble everything you listen to, from any Spotify app on any device or platform.

Connect to Spotify

Dismiss

A new version of Last.fm is available, to keep everything running smoothly, please reload the site.

Para San Ang Tapang Mo? - Lyrics

Sadlak sa matinding kahirapan
Laki sa gutom, pagod, alinlangan
Kabataang sawa na sa buhay-alipin
Namanatang ubos-lakas na aanihin ang ginhawa
Kaya't nag-umpisa Sa bayan at kapaligiran ay nag-obserba
Nagbasa, nag-usisa,
‘gang mapag-alamang Ang kasaganahan raw ay para lang sa palaban
Kaya't para sindihan ang paninindigan

Umanib sa kaisang-isip na kapatiran Sumumpa ng alay-buhay na katapatan
Sa samahan umano ng matatapang
Walang sinayang na panahon
Inaral ang kalaban nagparami ng kampon Nagsanay upang
katawan ay mapalakas Natutong humawak at gumamit ng armas
Sa wakas, dumating na ang gabi ng pagsalakay
Masusubok na ang bunga ng pagsasanay
Tanong mo sa sarili sa paglakad nyo,

"Para san ang tapang mo?"
Para sa kalayaan?
Para sa karangalan?
Para sa katarungan?
Para san ang tapang mo?
Para sa pangalan?
Para sa kayabangan?
Para sa kayamanan?
Para san ang tapang mo?
Bantay-salakay sa kuta ng kalaban
Ruta ay naharang, kalkulado ang galawan Dumating nang lasing, inasinta
Agad-agad pinaulanan ng mga tingga Sumunod at kulog ng sagupaan
Suntukan, paluan, saksakan, at tulakan Sumbatan at murahan,
habang nagpapatayan Saka lang
sumambulat na away kababawan lang pala ‘to
Mga lango sa pagbabato
Yabangan sa salitang binigkas sa kamao Agawan ng buhay ng
magkakakapit-bisig Bunga lang ng hinala at masamang titig
Lahat nagsitakbuhan
Wala nang sumaklolo sa mga
napuruhan Tanong mo sa sarili sa pagpanaw mo,
"Para san ang tapang mo?"
Para sa kalayaan?
Para sa karangalan?
Para sa katarungan?
Para san ang tapang mo?
Para sa pangalan?
Para sa kayabangan?
Para sa kayamanan?
Para san ang tapang mo?
Nasaan ang kabatan dapat mag-alay ng
kanyang mga kasariwaan, ng kanyang mga panaginip,
At sigasig ukol sa kabutihan ng kabutihan ng kanyang inang bayan,
Nasaan siya na dapat kusang-loob na magbuhos ng kanyang dugo,
Upang mahugasan ang napakaraming kahihiyan,
ang napakaraming kahihiyan,
ang napakaraming pagkakasala, ang napakaraming kasuklamsuklam,
Hinihintay namin kayo,
o mga kabataan halikayo sapagkat hinihintay namin kayo.

Don't want to see ads? Subscribe now

API Calls