Playing via Spotify Playing via YouTube
Skip to YouTube video

Loading player…

Scrobble from Spotify?

Connect your Spotify account to your Last.fm account and scrobble everything you listen to, from any Spotify app on any device or platform.

Connect to Spotify

Dismiss

A new version of Last.fm is available, to keep everything running smoothly, please reload the site.

Bulag, Pipi At Bingi - Lyrics

Madilim ang 'yong paligid, hating-gabing walang hanggan
Anyo at kulay ng mundo sa 'yo'y pinagkaita
Huwag mabahala, kaibigan, isinilang ka mang ganyan
Isang bulag sa kamunuduhan, ligtas ka sa kasalanan

Hindi na lalayo sa 'yo ang tunay na mundo
Marami sa aming nabubuhay nang tulad mo
'Di makita, 'di marinig, minsa'y nauutal
Patungo sa hinahangad, nabuhay na banal

Pilitin mo mang umawit, hindi mo makuhang gawin
Sigaw ng puso't damdamin, wala sa 'yong pumapansin
Sampung daliri, kaibigan, d'yan ka nila pakikinggan
Pipi ka man na isinilang, dakila ka sa sinuman

Hindi na lalayo sa 'yo ang tunay na mundo
Marami sa aming nabubuhay nang tulad mo
'Di makita, 'di marinig, minsa'y nauutal
Patungo sa hinahangad, nabuhay na banal

Ano sa 'yo ang musika, sa 'yo ba'y mahalaga
Matahimik mong paligid, awitan ay 'di madinig
Mapalad ka, o, kaibigan, napakaingay ng mundo
Sa isang binging katulad mo, walang daing, walang gulo

Hindi na lalayo sa 'yo ang tunay na mundo
Marami sa aming nabubuhay nang tulad mo
'Di makita, 'di marinig, minsa'y nauutal
Patungo sa hinahangad, nabuhay na banal

Writer(s): R. Rigor

Similar Tracks

Similar Artists

Don't want to see ads? Subscribe now

API Calls